June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Dating Gobernador Pryde Teves, kinasuhan din sa DOJ

Ni Alex dela Cruz

KINASUHAN na sa Department of Justice si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves dahil sa mga illegal na baril at pampasabog  sa bayan ng   Sta. Catalina.

Natagpuan sa sugar mill ni Teves ang mga matataas na kalibre ng baril, bala at mga pampasabog.

Arestado rin ang tatlong  katao kabilang ang chief security officer ng HDJ Bayawan Agri Venture Corporation.

 Sinabi ng Philippine National Police na subject ng search warrant ang dating gobernador  kaya naman kinasuhan na din siya kahit wala siya sa lugar ng pinangyarihan nang magsagawa ng operasyon ang CIDG.

Mariin namang itinanggi ng dating gobernador na pag-aari niya ang mga natagpuang armas dahil sa  hindi aniya niya ilalagay sa alanganin ang sugar mill kung saan 10 porsyento ang kanyang share .

At handa rin daw  umano siyang makipagtukungan sa mga isasagawang imbestigasyon  dahil nais din niyang malaman kung bakit nagkaroon ng mga baril  at pampasabog sa kanyang lupain.