
UMAKYAT na sa 27 nasawi nang manalasa ang bagyong Egay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) .
Sa talaan ngayong araw ng Miyerkules , dalawa ang namatay na nagmula sa Calabarzon at Western Visayas habang 25 naman ang patuloy na bineberipika ng ahensiya.
Kinukimpirma pa ang 12 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 8 sa Ilocos Region, 3 sa Calabarzon at tig- 1 sa Western Visayas at Davao regions.
Samantala ang 39 na naiulat na sugatan ay kasalukuyang inaalam pa ang 13 rito .
Kabilang sa walong lugar ay nagmula sa Davao region, 2 sa Western Visayas at Calabarzon habang 1 sa Ilocos region.
Kasalukuyang inaalam pa rin ang 13 indibidwal na nawawala – — na nagmula 8 sa CAR, 4 sa Cagayan Valley at 1 sa Ilocos.
Sa talaan, nasa 765,024 ang apektadong pamilya na may katumbas na 2,856,962 indibidwal na naninirahan sa 4,646 barangays sa 13 rehiyon sa bansa.
Nasa 15,604 pamilya o 57,740 indibidwal naman ang nasa 677 evacuation centers habang ang 57,609 pamilya o 231,973 ay nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Umabot naman sa 50,371 ang nawalan ng tirahan sa 12 rehiyon sa bansa.