Delima at 4 pang akusado pinayagang mag-bail

PANSAMANTALANG nakalaya si dating Senator Leila Delima at apat pang akusado na makapag piyansa sa Muntinlupa Regional Trial Court kahapon.
Kasamang napakapagpiyansa ang mga co-accused na sina sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, police asset Jose Adrian Dera, dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, at ex-security aide Jonnel Sanchez.
Pinagbigyan ni Judge Gener Gito , na bagong may hawak sa drug cases ang motion for reconsideration na inihain ni Delima at mga kasama.
Halagang P300,000 ang piyansang ibinayad sa korte.
Sa ngayon ay acquitted na ang dating senador sa dalawa sa tatlong drug charges na isinampa sa kanya ng dating administrasyon.
Sa kanyang paglaya ang wish ni De lima kay dating Pangulong Digong Duterte na patawarin na ito ng diyos dahil sa mga imbentong paratang sa kanya.
Matatandaan noong Pebrero 2017 ay inaresto si Delima dahil sa kasong illegal na droga kabilang ang umano’y pakikipagsabwatan sa mga preso sa Bilibid upang makapagbenta ng ilegal na droga para diumano pondohan ang kanyang pagtakbo sa Senado noong 2016 na mariin namang pinabulaanan ng dating senadora.