June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

PBBM nilinaw na walang alitan vs VP Sara Duterte; ‘Uniteam’ buo pa din

BUO ang tiwala at kumpiyansa pa rin si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang Bise-presidente at Department of Education Sara Duterte kahit kritisismo ang kanyang natatanggap mula sa kanyang ama na si dating pangulo na si Rodrigo Duterte.

Ito ang tugon ni PBBM nang tanungin ito ng press kaugnay sa kanilang relasyon ng Bise Presidente sa gitna ng mga atake mula sa kanyang pamilya, sinabi ng Pangulo na nananatili ang kanilang relasyon sa dati.

“Well, it’s exactly the same because she has – of that nature. And, wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So, hindi naman nagbabago,” saad ni President Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang kanyang “Uniteam” kasama si Bise Presidente Duterte ay nananatili pa ring buo.

“I believe so because if you remember ‘Uniteam’ is not just one party of two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all political forces in the Philippines to come together for the good country,” saad ni President Marcos. “And that is still there. It is still vibrant. It is still working, and we will continue,” dagdag pa niya.

Si President Marcos ay kasalukuyang nasa isang dalawang araw na state visit sa Vietnam upang palakasin ang bilateral ties ng Pilipinas sa bansang ito.