
NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng sedan na pinaglagyan ng isang aso sa trunk na naging viral video sa social media.
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Sinabi ni Vigor D. Mendoza II na ang SCO ay naibigay na sa rehistradong may-ari ng Mitsubishi Mirage, na residente ng Cavite, at naglalayong makuha ang kanyang panig sa viral video na tinawag at kinondena ng mga netizens at animal rights groups.
Batay sa social media monitoring report ng LTO, ang video na na-upload sa Facebook account ng Animal Kingdom Foundation kung saan ipinakita rito ang isang aso na inilagay sa isang bukas na trunk ng sasakyan habang umaandar sa kalsada.
Nakasaad sa SCO ng LTO-Intelligence and Investigation Division chief Renante Melitante, hiniling sa rehistradong may-ari na ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga regulasyong na may kinalaman sa kaligtasan sa kalsada.
Kabilang ang kasong administratibo, Reckless Driving (Sec. 48 of R.A. No. 4136) at Improper Person to Operate a Motor Vehicle (Sec. 27 of R.A. No. 4136) ang parusa at pagbawi ng lisensya sa pagmamaneho ang kakaharpin ng driver.
“We understand the concerns of the netizens and the Animal Kingdom Foundation over this incident. This is not only about animal rights but also involves road safety,” ani ni Asec Mendoza.
Iimbitahan rin anila ang mga kinatawan mula sa Animal Kingdom Foundation at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para makuha ang kanilang paninindigan sa isyu bilang bahagi ng due process sa unang pagdinig na nakatakda sa Mayo 13 sa LTO Central Office.