ISINULONG ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang karagdagang health at life insurance para sa mga barangay tanod at incentive system para sa security guards dahil sila’y kaagapay sa pagpapanatili ng peace and order.Ibinigay ni Eleazar ang pahayag sa kanyang campaign sortie sa Sorsogon, kung saan niya nakadaupang-palad ang lahat ng 541 barangay captain ng mga lungsod at munisipalidad, sa imbitasyon ni Governor Chiz Escudero.
“Ang mga force multipliers na tumutulong sa amin, mga barangay tanod, minsan nadidisgasya. Sa honorarium lang sila umaasa bilang kapalit ng kanilang serbisyo kaya nararapat lang na ibigay ang para sa kanila na at least hindi na nila problema kung sakaling masaktan sila while in performing their peace duties,” sabi ni Eleazar sa panayam ng 89.5 OK-FM Sorsogon nitong Huwebes.
Kailangan aniya ng life at health insurance para sa mga barangay tanod na, gaya ng mga pulis, ay minsa’y nalalagay sa peligro ang buhay para mapanatiling mapayapa ang komunidad.Ayon kay Eleazar, importanteng bahagi rin ng pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad ang mga security guard.
“While they are employed by security agencies [para] bantayan ang kanilang mga facilities, pwede ‘yan tumulong sa crime prevention. The fact that they are preventing the commission of any problem sa pasilidad nila, nakakatulong na sa amin ‘yun eh,” aniya Eleazar.
Bukod dito’y may ilan aniyang kaso na kung saan ang mga security guard ang unang rumeresponde sa mga krimeng gaya ng robbery/hold-up at pagnanakaw. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng institutionalized reward system at pinahabang validity ng lisensya ng mga security guard.“Kung makakatulong sila sa crime prevention, bigyan natin ng reward.
Ginagawa naman natin ‘yan, may reward system naman tayo sa iba. Eh ‘di gawin natin sa kanila para ma-motivate sila,” ani Eleazar.Kamakailan lamang, ang kandidatura ni Eleazar sa pagka-senador ay inendorso ng 600,000-strong Philippine Association of Detective and Protective Agencies Operators, Inc. (PADPAO), isang grupo na kinabibilangan ng mga security guard, private detectives, at investigators.Pangunahin sa plataporma ni Eleazar, na nagsilbi ng 38 taon bilang pulis, ang pagpapasa ng mga batas na magpapabuti sa peace and order situation ng bansa.
“Ang pundasyong ng totoong development, magsisimula ‘yan sa peace and order. Hindi makakamtan ang totoong pag-unlad kung ang mga tao ay namumuhay sa takot o kriminalidad,” aniya.