February 25, 2024

Farm gate price ng sibuyas bumaba na, ngunit sa palengke mahal pa din ibinebenta

Ni Len Dancel

NANATILING overprice ang mga pulang sibuyas sa mga pamilihan  kahit na bumaba na ang presyo ng farm gate nito sa 50-60 pesos kada kilo.

Ayon sa pangulo ng Sinag  o Samahang Industriya  ng Agrikultura na si Rosendo So, dapat nasa 70 pesos na lang ang whole sale ng sibuyas hanggang 100 piso naman sa retail .

Sa isinagawang monitoring ng Department of Agriculture , nasa 180 pa rin ibinebenta ang mga ito sa ibang palengke.

Habang lagpas naman sa itinakdang 125 kada kilo ang Suggested retail price ng mga imported na sibuyas na mabibili sa halagang 150 kada kilo.