CITY OF LIPA, Batangas – Naitala sa 6.3 percent ang headline inflation sa rehiyon ng CALABARZON nitong buwan ng Hunyo 2026, ayon sa pag-uulat ni Officer-in-ChargeSOCD Charity O. Bautista ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON sa ginanap na press conference nitong Martes, ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ito ay mas mabagal kumpara sa inflation ng rehiyon noong Mayo 2026 na naitala sa 6.8 percent, at mas mabilis naman kaysa noong Hunyo 2025 na naitala sa 1.8 percent.
Sa kasalukuyan, ang average year-to-date inflation rate mula Enero hanggang Hunyo 2026 ay nasa 4.9 percent.
Ang pangunahing dahilan ng mas mabagal na pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga kalakal at serbisyo sa rehiyon nitong Hunyo 2026, kumpara noong Mayo 2026, ay ang mas mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Transport na may 10.8 percent inflation.
Sinundan ito ng Food and Non-alcoholic Beverages na nakapagtala ng 3.4 percent inflation at Housing, water, electricity, gas, and other fuels na may 9.7 percent inflation nitong buwan ng Hunyo 2026.
Sa mga pangkat ng pagkain sa rehiyon, nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong buwan ng Hunyo 2026 ang mga sumusunod: Flour, bread, and other bakery products (5.6 percent inflation) at Ready-made food and other food products (3.9 percent inflation.
Samantala, nagtala ng pagtaas ng presyo ang Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses, na may 1.6 percent inflation. Sa kabilang banda, ang mga sumusunod na pangkat ng pagkain ay nagpakita naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Hunyo 2026 kumpara noong nakaraang buwan ng Mayo 2026: Bigas (11.1 percent inflation); Oils and fats (8.8 percent inflation); Fish and seafood (7.2 percent inflation); Fruits and nuts (4.0 percent inflation); Corn (1.8 percent inflation); Sugar, confectionery and desserts (1.0 percent inflation); at Milk and other dairy products and eggs (0.5 percent inflation).
Samantala, nakapagtala naman ng mas mabilis na pagbaba ng presyo ngayong Hunyo 2026 ang Meat, na may -4.1 percent inflation.
Sa mga probinsya at Highly Urbanized City ng CALABARZON, limang lugar ang nakapag-ulat ng mas mabagal na antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo nitong buwan ng Hunyo 2026 kumpara noong Mayo 2026.
Kabilang dito ang Rizal na may 6.9 percent inflation, Cavite na may 6.2 percent inflation, Quezon na may 5.5 percent inflation, Batangas na may 3.8 percent inflation, at Lungsod ng Lucena na may 3.7 percent inflation.
Sa kabilang banda, sa Laguna nakapagtala ng mas mabilis na pagtaas ng antas ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin na umakyat sa 8.0 percent.
Dagdag dito, naitala sa 74 sentimo noong Hunyo 2026 ang purchasing power of peso (PPP) o ang halaga ng piso kumpara sa halaga nito noong 2018.
