February 24, 2024

CPP lider na si Joma Sison pumanaw sa edad na 83

Ni Alex dela Cruz

BINAWIAN na ng buhay sa edad na 83 anyos ang founding chairperson ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison.

Inanunsiyo ng grupo ang pagkamatay ng kanilang lider nitong Biyernes ng gabi matapos ang dalawang linggong pagkakaratay sa ospital sa hindi na sinabing dahilan.

Nakilala si Sison bilang dating youth leader at isang guro sa unibersidad na siyang nagtatag ng CPP at New People’s Army noong 1980’s kaya na -exile siya sa bansang  the Netherlands.