Libu-libong Agrarian Reform Benificiaries o ARBs na ang nakinabang sa iba’t-ibang support services ang naipamahagi ng kagawaran sa buong bansa tulad ng training, market linkage, enterprise development at marami iba pa, ito ang inulat ni Sec. Conrado Estrella III kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-100 araw sa palasyo.
Mayroon ng 171,122 ARBs ang naturuan sa iba’t ibang pagsasanay na may kinalaman sa pagsasaka at pagtitinda ng ani mula July hanggang September 2022.
Naitala din ng ahensya ang mga pautang at microfinance services para sa 55,626 ARBs, at ito ay umabot sa 117.64% na mas mataas sa 47,286 na target ng ahensya.
May kabuuang 1,070 ARB organizations din ang nabigyang ng techical assistance na may kinalaman sa organizational development, business development, at ang pamamahagi ng mga makinarya sa pagsasaka.
