
Iloilo City –BINUBUO ng mahigit 109 confiscated modified mufflers mula noong Mayo 2024 hanggang Marso 2025 ang dinurog ngayong araw sa harapan ng Iloilo City Hall upang maipakita sa mgamotorista na bawal ang pagkakabit at paggamit ng mga naturang tambutso sa motorsiklo.
Mula sa numero, 85 ay nahuli ng Transportation and Traffic Management Office, at ang 24 naman ay mula sae Iloilo City Police Office.
Ang Iloilo City ay may Ordinance No. 2017-087, na nilagdaan noong May 24, 2023, at nagsasad na illegal ang pagbebenta, paglalagay, at paggamit ng modified mufflers na pinagmumulan ng malakay na ingay o noisepollution exceeding 99 decibels nula sa engine speed na 2,000 hanggang 2,500 rpm.
Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ay magbabayad ng piyansa mula P1,000 para sa first offense, P2,000 s ikalawa at P5,000 sa ikatlo ksama na ang removal ng modified muffler at pagkumpiska ng driver’s license.
Nagbabala nmn ang Iloilo City government na magkakaroon ng dagdag na P1000 sa mga motoristag hindi titigil pag nahuli at sa mga susuway sa mga otoridad.
Ang mga magkakasala ay maari ring makulong ng 3 hanggang anim na buwan depended sa desisyon ng korte.
Mayroon naming 72 hours ang mga offenders upang magbayad at makuha ang kanilang lisensya kasama na ang pagdalo sa orientation seminar na idaraos naman ng ng City Legal Office at TTMO.