UMPISA na ang liquor ban simula ngayong October 29, 2023 (Linggo) hanggang October 30, 2023 (Lunes) ayon sa Comelec Resolution 10924 at 10905.
Ipinaalala ng Philippine National Police na mahigpit na ipinagbabawal ang mag-alok, bumili, magbenta, mamigay o uminum ng alak sa dalawang araw na nabanggit.
Ang sinumang indibidwal na mahuling lumabag ay maaring makulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi tataas sa anim na taon.
Sa ating mga kababayan, magtulungan po tayo para sa isang malinis, mapayapa at patas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.