NABIGYAN ang 25 na kwalipikadong benepisyaryo ng 3rd IMPACT Awards ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa mga kapamilya sa pamamagitan ng paggawad ng Livelihood Assistance Grants for OFWs (LAGO) na pinangunahan ng OFW Party List at Buhay OFW Foundation noong Setyembre .
Ayon kay OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino, layunin ng programa na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga dating OFW o kanilang mga pamilya upang matulungan silang makapagsimula o mapalaki ang kanilang maliliit na negosyo sa Pilipinas.
Nagbigay si Rep. Magsino ng Php 20,000.00 na tulong pinansiyal sa bawat kwalipikadong benepisyaryong OFW na nakabalik at nanirahang muli sa Pilipinas, at sa ilang kapamilya ng mga OFW. Ang pondong ito ay naglalayong suportahan ang pagtatayo o pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Makaraan ang dalawang buwan, binisita ng OFW party List ang ilan sa mga micro-enterprise na naitayo at nakita ang progreso sa kanilang kabuhayan.
Isa sa mga benepisyaryo ng LAGO ay si Antolin Gumaro, 63 anyos, at may-ari ng Apol’s Bags na isang pagawaan ng mga pre-ordered bags. Siya ay dating OFW na nagtrabaho bilang factory worker sa garments industry sa Taiwan at Vietnam. Bagaman nakatulong sa pamilya ang kanyang kita sa ibang bansa, bumalik siya sa Pilipinas nang mapagtapos ang mga anak. Sa pamamagitan ng LAGO, nakabili siya ng kagamitan para sa paggawa ng mga bag, na nakatulong upang muling umunlad ang kanyang negosyo matapos ang pandemya.
“Malaki ang naitulong ng LAGO sa amin. Pagkatapos ng pandemya, talagang bumagsak ang negosyo namin. Sa mga panahong iyon, maraming tao ang natakot lumabas, kaya halos walang bumibili ng mga produkto namin. Nang natanggap namin ang livelihood assistance mula sa LAGO ng OFW Party List, nagkaroon kami ng bagong pag-asa. Salamat kay Congresswoman Marissa ‘Del Mar’ Magsino sa tulong na ito,” saad ni Antolin.
Isang kapamilya ng mga OFW din ang naging benepisyaryo ng LAGO. Si Estalin Cabanegro na kapatid at anak ng mga OFW ay nagtayo ng Hands On Massage and Therapy Services sa Quezon City. Nabigyan ng dagdag kapital ng OFW Party List si Estalin sa pamamagitan ng LAGO kaya’t nakakuha ng apat na kababaihan bilang empleyado sa kanyang negosyo na pawang mga single mothers at solo parents.
“Pagkatapos kong matanggap ang tulong, pinag-aralan namin ang takbo ng negosyo at nag-alok kami ng 50% off. Naisip namin na mahirap kumuha ng mga tao, ngunit sa tulong ni Cong. Marissa ‘Del Mar’ Magsino, nabigyan kami ng pagkakataon. Ginamit ko ito upang makabili ng mga produkto at kagamitan na nakatulong sa pagpaikot ng aming negosyo at makatulong din sa ibang nangangailangan ng trabaho,” ani Estalin.
Katuwang ang Buhay OFW Foundation, ipinakita ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino na ang pagbibigay kabuhayan sa mga OFWs at kanilang pamilya ay kanya din isinasakatuparan sa kanyang personal na kapasidad.
“Ang inisyatibong ito ay pagtupad sa aming pangako na bigyan ng disenteng kabuhayan ang ating mga OFW at kanilang pamilya, at itaas ang antas ng kanilang pamumuhay dito sa ating bansa. Ang Livelihood Assistance Grant for OFWs ay isang paraan rin ng re
