
UMUUGONG ang chismis na hiwalay na umano ang magka love team na LizQuen.
Ayon sa isang source, hindi makapagtrabaho pa ang actor dahil sa dinadala nitong problema.Hindi naman masigurado kung ang kapartner niya ang kanyang nais sabihin dahil sa kanilang personal na problema.
Makikita kasi sa harap ng kamera ang ang kanyang dinadala kaya naman nakiusap si Enrique na hindi muna siya magtatrabaho at aayusin muna ang mga dapat ayusin.
Akala ng fans kasi nila ay may gagawin itong TV series at pelikula sa ABS-CBN dahil nag-renew ang aktor ng kontrata sa nasabing network noong Abril 25 .
Hunyo na ngayon, wala pa ring balitang nagte-taping o nagsu-shooting na ang aktor.
Sinabi pa ng mga chikador na nagsa-suffer ngayon in terms of career si Quen dahil si Liza ay nakakagawa pa raw ng proyekto tulad ng online app, TVC, plus may mga pictorials din sa isang kilalang magazine.