ISANG mag pamilya na kinabibilangan ng 3 indibidwal ang nasawi makaraan silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin habang lulan sa kolong sa Sitio Dagupan, Barangay Calagbangan, Sipocot, Camarines Sur nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 16, 2026.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang rumesponde sa lugar ang 46-anyos na barangay tanod na kinilalang si Elias matapos makatanggap ng ulat hinggil sa isang umano’y vehicular accident.
Gayunman, pagdating sa pinangyarihan, nadiskubre nito ang wala nang buhay na mag asawa na kinilalang sina alyas Isko at alyas Iping, na kapwa may tama ng mga bala sa kanilang katawan.
Samantala, sinubukan pang isugod sa ospital ang anak nilang menor de edad na lalaki, subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Ayon sa pulisya, bandang alas-11:45 ng umaga nang mangyari ang pamamaril ng riding in tandem.
Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang ilang basyo ng bala, isang slug at isang misfired bullet mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon at manhunt operation ng Sipocot Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.
Nabatid na kapwa magsasaka sa Lugar ang mag asawa na pauwi sana ng silay tambangan.(
