May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Maling paggamit ng salitang “Muslim”, pinalagan ng NCMF

Ni Chris Lucas

NAGLABAS ng pahayag ang National Commission on Muslim Filipino o NCMF sa pamamagitan ni Commissioner Yusoph Mago  kaugnay sa pagtukoy sa mga PDL na nagtangkang tumakas at nanghostage kay dating Senador Leila De Lima sa loob mismo ng Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Krame.

Binanggit ni Mago na base sa isang video na ini upload sa facebook, paulit-ulit na tinawag ng isang police ang mga suspek na “muslim”.

Hinaing ni Mago, bakit kailangang i identify ang isang kriminal sa pamamagitan ng kanyang religous belief.

Aniya , nababahiran ang pagiging peace-loving citizen ng mga minority kagaya nilang naniniwala sa Islam.

Dagdag pa niya, ito ay hindi isolated case at maraming beses nang naganap.

Nilinaw ni Mago na hindi naman sila humihingi ng special treatment bagkus ay kanilang hinihiling ang patas na pagtrato at pagrespeto upang hindi aniya magkaroon pa ng hindi pagkakaunawan sa pagitan ng mga muslim at non-muslim.

Samantala, kanila ring ipinoptotesta ang paggamit ng Ka ‘bah sa isang dog show sa isang mall sa Quezon City.

Paliwanag ni Mago, bawal na bawal sa mga muslim ang aso at ang masakit aniya ay ginamit na costume o props ang  Ka ‘bah na syang pinakasagradong bagay para sa kanilang mga yumayakap sa Islam.

Nagpahayag na ng paumanhin ang pambansang kapulisan, ang mall officials at ang individual na gumawa ng  props kaugnay  sa mga pangyayari.