
SINUGURADO ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na mananatiling stable ang supply at presyo ng mga lokal na pulang sibuyas sa pagsisimula ng panahon ng ani.
Nilinaw it oni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na sa gitna ng mga alalahanin sa local stock inventory at nakatakdang aniyang maubos sa Pebrero 1 ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI) .
Ayon pa kay De Mesa na ang ani noong nakaraang taon ay tatagal hanggang Enero o Pebrero.
Sinabi niya noong Enero 17, ang stock ng lokal na pulang sibuyas ay nasa 8,494.99 metriko tonelada.
“Mag-timing lang din. Pa-ubos ‘yung sibuyas mo pero parating naman iyong harvest mo,” dagdag pa ni De Mesa .
Ang peak harvest season para sa mga lokal na pulang sibuyas ay tumatagal ng Enero hanggang Marso, kaya walang dahilan para tumaas ang mga presyo.
Sinabi ng DA Bantay Presyo na simula nitong Lunes, nasa P100 kada kilo hanggang P180 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas sa Metro Manila.