MAHIGPIT na ipinagbabawal ng pulisya ang baril at alak sa loob ng tatlong araw sa lungsod ng Maynila sa panahon ng Traslacion 2024.
Sinabi ni Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na ang direktibang ito ay bahagi ng mga paghahanda sa seguridad para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9.
Sinabi niya na lahat ng permit para sa pagdadala ng baril sa labas ng bahay ay ipinagbabawal.
Ayon pa kay Nartatez na ipatutupad ang gun ban sa loob ng kabisera mula 7 a.m. ng Enero 8 hanggang 7 a.m. ng Enero 10 upang tiyakin ang kaligtasan ng milyun-milyong deboto.
Ang pagbabawal sa paggamit ng mga drone, na bahagi ng “no fly zone” na patakaran, ay nagsimula noong Linggo at magtatagal hanggang Miyerkules.
Ang South Harbor at Ilog Pasig, kasama ang malapit sa Quirino Grandstand kung saan magsisimula ang prusisyon ng “Traslacion,” ay “no sail zones” mula Enero 6 hanggang 10.
Sinabi ng opisyal na ipatutupad din ang liquor ban sa loob ng Maynila mula 12:01 a.m. ng Enero 8 hanggang 12:01 a.m. ng Enero 10.
Kabuuang 15,276 na pulis ang inilatag upang siguruhing ligtas ang Traslacion.
Hindi rin pinapayagan ang mga nagtitinda sa kalapit-bahay ng Simbahan ng Quiapo sa oras ng okasyon.
Dagdag niya na ipinagbabawal din ang pagsusuot ng hoodie jackets, caps, backpacks, water bottles, payong, at raincoats; firecrackers o pyrotechnics at mga matalim na armas; at pagkalasing.