
SINALAKAY noong Lunes ng mga miyembro ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang bahay sa Bgy. Sumandig, San Ildefonso, Bulacan habang inaresto naman ang isang suspek kung saan nakuhanan ng mga deadly weapons , bala, at iligal na droga.
Nagsagawa ng search warrant ang magkasanib na operatiba mula sa Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), San Ildefonso police Station, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Companies, at Bulacan Provincial Explosives and Canine Unit na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas £Ed,” 47.
Nadiskubre ng mga operatiba ang mga iligal na armas sa loob ng bahay ng suspek, kabilang ang isang pistol na nilagyan ng laser sight, dalawang hinihinalang converted rifles na may mga scope, magazine, isang stockpile ng mga bala, at isang fragmentation grenade.
Nasamsam din ang hindi pa matukoy na dami ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang weighing scale, at mga drug paraphernalia.
Sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms, explosives, at illegal drugs ang naarestong suspek.