Military training ground ng ‘pekeng sundalo’ ni-raid; 38 high-powered na baril nasamsam
Ni Cyrill Quilo

NASAMSAM ang tinatayang nasa tatlumpu’t walong iba’t-ibang armas , magazines at mga bala sa isinagawang raid sa Army training ground sa Binan City nitong Sabado, Nobyembre 18 .
Inihain ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Laguna Provincial Field unit kabilang ang PNP at AFP ang 5 Search warrants sa paglabag sa RA 10591 o An act providing for comprehensive law on firearms and ammunitions Act na inisyu ni Hon. Agripino R Bravo, Executive judge ng RTC , Lucena City, Quezon.
Ni-raid ng mga otoridad ang Amsterdam St. town and Country , Barangay Langkiwa bandang alas 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon kung saan nasakote sina Jose Francisco Ramos III , Mark sales at Darwin Regonis .
Narekober ang tatlumpu’t -walong mga armas na kinabibilangan ng 1 AK47 ; 1 Uzi; 1 Carbine; 1 Garand ; 4 Cal 5.56 rifle; 4 Cal. 22 rifle ; 9 Cal. 45; 8 Cal. 9mm; 1 Cal. 357, 3 Cal. 38, 5 Shotgun
Si Ramos na nagpakilalang isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines na may ranggong Lieutenant Colonel or General na nagrerecruit sa facebook nasa mga gustong sumali sa Philippine Wildlife Sentinel Unified Command (PWSUC).
Sinasabi ng suspek na kabilang siya sa organisasyon sa DENR at nagsisilbing force multiplier ng military.
Isang bakanteng lote ang kanilang ginagamit bilang training ground.
Bineripika mula sa 1303rd Defense Regional Community of the Philippine Army na suspek na si Ramos ay hindi kabilang sa AFP Reservist o anumang konektado sa AFP Joint Task Force NCR.
Maging sa DENR PWSUC hindi rin umano ito konektado bilang Deputized wildlife Enforcement Officers .
Ang mga nakumpiskang ebidensya ang dinala sa CIDG PFU office para sa tamang disposisyon ng dokumentasyon .