ARESTADO ang most wanted person sa rehiyon ng Calabarzon nitong araw ng Lunes dahil sa kasong panggagahasa.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio , Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang suspek na si alyas Arjay na residente ng lungsod ng Calamba.
Nagkasa ng manhunt operation ang pinagsanib pwersa ng Tagkawayan Municipal Station at Calamba City Police bandang alas 11:15 ng umaga sa barangay Poblacion, Tagkawayan sa lalawigan ng Quezon.
Inihain ang warrant of arrest kay alyas Arjay na inisyu laban sa kanya noong Oktubre 28,2022 ng Family Court Branch 8 sa Calamaba City na walang nirekomendang piyansa dahil sa kasong statutory rape.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station .
