IPINAGDIRIWANG ngayon ang “Buwan ng mga Bata” tuwing Nobyembre upang gunitain ang pagpapatibay sa United Nations Convention on the Rights of the Child noong ika-20 ng Nobyembre 1989 sa Pilipinas.
Alinsunod sa Republic Act No. 10661 Layunin ng batas na maitanim ang kahalagahan nito sa kamalayan ng mga Pilipino at mapanatili ang pagtataguyod at pagprotekta sa mga karapatan ng mga bata.
May temang tumutukoy sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (OSAEC-CSAEM) ay, “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Kabataan, Ipaglaban!”.
Kaugnay ng pagdiriwang ngayong taon, inilabas ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang Memorandum Circular No. 2025-106 na nanghihikayat sa lahat ng tanggapan ng Kagawaran at sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang paggunita nito.
