NAIBALIK na ang nawawalang painting ng National artist ma si Fernando Amorsolo na ninakaw mula sa Hofileña Museum sa Silay City, Negros Occidental noong Hulyo 3 .
Ayon sa isang Facebook post noong Biyernes ng National Museum of the Philippines, ibinalik ng NBI ang 1936 painting na “Mango Harvesters”at kanilang sinusuri pa ito.
Personal na ininspeksyon ni National Museum Director-General Jeremy Barns ang larawan at tiniyak sa NBI na ito nga ang ninakaw na painting.
Batay sa mga datos na ipinost sa mga website ng art auction houses, ang halaga ng mga obra ni Amorsolo na may katulad na sukat ay umaabot sa milyon-milyong piso.
Sinabi ng pulisya na dalawang suspek ang unang nakitang pisikal na kumuha ng art piece.
Pinaniniwalaang ninakaw ang painting ni Amorsolo ng dalawang grupo ng mga turista nang bumisita sa museo noong Hulyo 3, kung saan nag-iisa lang ang tour guide na naka-duty.
