February 29, 2024

New child star to be launched in a film soon

Ceana Yashimoto, isa sa mga cast ng kiddie show na “Kulit Bulilit” ay naispatan ng award-winning director na si Romm Burlat na may potensyal maging artista sa pelikula.

Sabi ng director, may nakita siyang talento sa pag arte sa magandang bata na half- Japanese. Puede daw itong maging sikat na child star tulad dati nina Julie Vega, Janice de Belen, Sheryl Cruz at Snooky Serna.

Pinaplano na ni Direk Romm ang pelikula ng bata na siguradong magpapatanyag kay Ceana na kilala na rin sa kids modelling dahil pagkapanalo neto ng iba’t ibang kompetisyon. Sabi ng mabait na director na mag uumpisa ang shooting ng launching movie ng bata pagkatapos ng eleksyon.

Bilang isang batang modelo, si Ceana ang napiling representative ng ating bansa para sa Top Model competition in Thailand. Sumali din sya as Ramp Model sa Thailand Fashion Week.

Ang magandang batang ito ay in-house model ng Modelo Icons Management. Isa din syang CIty Kids Ambassadress.

MKC Ambasadress, Kigaya Couture Ambasadress, MRR Ambassador. Hindi lang yan, endorser din si Ceana na BADU Clothing Kids, CDP Cosmetics, Mariket Essentials and Otsukushi Products.Dahil ang paborito nyang artista ay si Katryn Bernardo, maraming acting workshops ang kanyang sinalihan para mas mahahasa pa ang kanyang acting skills.

Nakatakdang magshoot si Ceana sa pelikulang “Job” sa direksyon ni Direk Raj’s Gange.Andaming sinalihan na beauty pageants si Ceana at palagi siyang pinalad na manalo.

First runner up sya sa Ms. St. Anthony Montessori noong 2018. Little Miss Mandaluyong in 2019, 2nd runner up, Runway Idol Quest 2019, Ms. Little Reyna Elena Pilipinas Grand winner 2019, Grandwinner sa Fashion Revolution Season 2, Image Boost Model of the month at marami pang iba. Mahihilo ka sa mga achievements ng batang eto.