Call center agent, natimbog sa Batangas

ISANG babaeng tinuturing na No. 1 Most Wanted Person ang na mahainan ng Warrant of Arrest sa Brgy. Dumantayng Batangas nitong ika-18 ng Nobyembre, 2023 .

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, dakong 6:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang operatiba ng Batangas CPS kasama ang Provincial Intelligence Unit ng Batangas PPO, Batangas Provincial Mobile Force 1st Company at MARPSTA Batangas SOU3 para maghain ng Warrant of Arrest sa Brgy. Dumantay, Batangas City, Batangas.

Nagresulta sa pagkaaresto sa akusadong si Danica Arquillo y Bagon alias “Ycay”, 26 taong gulang, call center agent at residente ng naturang barangay. Inaresto si Arquillo sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8, Batangas City para sa kasong Violation of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na may petsang ika-16 ng Nobyembre, 2023 at walang  piyansang nakatalaga.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Batangas CPS si alias “Ycay” at kakaharapin ang kaso laban sa kanya.

“Naging matagumpay ang operasyon na ito dahil na din sa pakikipagtulungan ng komunidad. Patunay na higit pa sa lakas ng pulisya, ang lakas ng pakikiisa na siyang magdadala sa atin ng marami pang tagumpay sa bawat nating operasyon laban sa anumang uri ng iligal na gawain. ” ayon kay PCol Belmonte.