
LAGUNA-TIKLO sa manhunt operation ang No.1 most wanted person sa regional level na may patong-patong na kaso sa lalawigang ito.
Tinukoy ni PMaj Gabriel Unay , hepe ng Sta. Cruz police station kay Laguna Police Provincial director Colonel Randy Glenn Silvio ang akusado na si alyas Hakim na residente ng Sta.Cruz.
Naaresto ang suspek sa Sitio Maulawin, Brgy. Santisima Cruz bandang alas 3:17 ng hapon ng Martes sa Santa Cruz, Laguna nang ihain ang tatlong standing warrant of arrest sa mga kasong Frustrated Murder na may piyansang nirekomenda na halagang Php 200,000.00; Murder, walang piyansa at Service of Sentence naman para sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang arestadong akusado samantalang iimpormahan naman ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkaaresto ng suspek.