June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sekyu tiklo sa pamamaril ng kainuman

Ni Alex dela Cruz

AGAD na nasakote ang isang sekyu na namaril matapos magsagawa ng hot puruit ang mga otoridad sa San Luis, Batangas.

 Base sa ulat ni Batangas police Provincial Director, Col. Rainerio de Chavez kay Calabarzon Regional Director, PBGen Carlito Gaces kiinilala ang  suspek na si Prince Joe Alcayde Plantig alias Jojo,  27 taong gulang na security guard at residente ng bayang ito.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril noong  Lunes dakong 8:30 ng gabi kung saan binaril at napatay ang biktimang si Ben Mirano y Lastimosa, 42 taong gulang, construction worker at residente ng San Luis, Batangas habang sila ay nag- iinuman.

Nauwi sa pagtatalo ang kwentuhan ng dalawang magkaibigan  hanggang sa bumunot ng baril ang suspek saka  pinagbabaril ang biktima at mabilis na tumakas  gamit ang kanyang motorsiklo.

Dahil sa sumbong ng mga testigo , kaagad na nagsagawa ng Hot Pursuit Operation ang San Luis MPS kaya naman  natunton ang kinaroroonan ng suspek bandang 1:00 ng madaling araw .

Narekober ang isang (1) kalibre 38 na baril, mga bala at isang (1) Honda wave na motorsiklo na ginamit ng suspek sa pagsagawa ng krimen.

Nahaharap sa kasong R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at Murder ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa  San Luis Municipal Custodial facility