SINUSPINDI ng Office of the Ombudsma si Mayor Alice Guo ng Bamban , Tarlac matapos katigan ng ahensiya.kaugnay sa pagkakasangkot nito sa Philippine Offeshore Gaming Operator o POGO .
Epektibo nitong Mayo 31 ang suspensiyon ni Guo at dalawang sangkot pa nitong makaraang irekomenda ito ng DILG noong Mayo 24 kaugnay ng pag-isyu ng permit sa isang POGO company sa kanyang lugar.
Kabilang sa sinuspindi ng Ombudsman sina Edwin Ocampo, na siyang opisyal ng business permit and licensing at Adenn Sigua , na siya naman legal officer ng Bamban.
Ang suspensiyon ng tatlo ay walang matatanggap na sahod habang sila ay sumasailalim sa imbestigasyon hanggang matapos ito nang hindi naman lalampas ng anim na buwan.
