MAY multang P11 milyon ang kailangang bayaran ng mga driver at operator ng mga kolorum na public utility vehicle (PUV) na nahuli ng mga operatiba ng dating InterAgency Council for Traffic – IACT, na ngayo’y Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT), sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong unang sampung araw ng Nobyembre 2023.
Ang P11 milyon na multa na bubunuin ng mga driver at operator ay inaasahang lolobo pa sa mga susunod na araw at bago matapos ang buwan, ayon sa awtoridad.
Sa utos ni Transporation Secretary Jaime Bautista, pinaigting ng SAICT ang kampanya laban sa kolorum para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ng road users.
Simula ng ika-01 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 11 bus at tatlong van ang impounded bugso ng walang humpay na operasyon ng Kagawaran ng Transportasyon kontra kolorum.
Ang SAICT ay inilunsad at pinagtibay kamakailan ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Department Order No. 2023-020 kung saan pinangungunahan ng Kalihim nito bilang Chairman ng komite.
𝐌as mataas na multa sa mga pasaway sa busway
Simula kahapon araw ika-13 ng Nobyembre, mas mataas na multa ang ipapatupad sa mga lalabag sa EDSA Busway policy.
Sa listahan ng bagong violation na ipinapatupad sa EDSA bus lane:
Fist offense – P5,000
Second offense – 10,000 / 1 month suspension ng driver’s license / Sasailalim sa road safety seminar
Third offense – P20,000 / 1 year suspension ng driver’s license
Fourth offense – P30,000 / Ipakakansela ang driver’s license
Paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Jaime Bautista, tanging bus, ambulansya at iba pang sasakyang ginagamit sa pagtugon sa emergency ang awtorisadong dumaan sa inner lane ng EDSA.