NASAGIP ng mga awtoridad ang tatlong menor de edad makaraang ma-stranded habang nagha-hiking sa bahagi ng Agkuyo, Samoki, Bontoc.
Ayon sa ulat ng mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station ang, nagpunta sa bundok ang mga kabataan para mag-trekking ngunit napunta sa isang matarik na bahagi ng bangin kung saan hindi na sila makabalik.
Isa sa kanila ang agad na tumawag sa hotline ng pulisya at kaagad namang rumesponde.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Bontoc MPS at gumamit ng ng rappelling technique upang marating ang mga kabataan sa delikadong bahagi ng bangin.
Matagumpay na naiahon at nailigtas ang tatlong menor nang walang naiulat na malubhang pinsala.
Pinuri ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang ipinakitang dedikasyon ng mga rumespondeng pulis.
Nagpaalala rin ang PNP sa publiko, lalo na sa mga mahilig mag-hiking at mag-trekking, na magplano nang maayos, magdala ng sapat na kagamitan, at ipaalam sa pamilya o lokal na awtoridad ang kanilang pupuntahan upang maiwasan ang aksidente.
