NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang humigit-kumulang ₱13.3 milyong halaga ng marijuana o “Kush” mula sa isang pasaherong dumating mula sa Thailand nitong Hunyo 4, 2026.
Ayon sa ulat ng mga otoridad dumating ang pasaherong Pilipino mula sa Thailand kung saan nakita ng X-ray Inspection Project (XIP) ang mga kahina-hinalang larawan sa kanyang check -in na baggage ang organic na sangkap .
Sa paulit-ulit na inspeksyon natuklasan ang 21 medium-sized na pakete, 42 small-sized na pakete, at dalawang medium-sized na lalagyan na naglalaman ng mga pinatuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana o “Kush” na may timbang ng humigit-kumulang 8,910 gramo na may tinatayang halaga na ₱13,365,000.
Agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),upang magsagawa ang K9 sniffing operation at napatunayang ilegal na droga ang mga laman ng bagahe.
Ang mga kontrabando ay agad na ibinigay sa PDEA para sa karagdagang pagsusuri sa laboratoryo upang mabuo ang kaso at masampahan ng kaukulang kaso ang naturang pasahero..
