NASABAT ang 151,334 gramo ng hinihinalang high-grade marijuana (Kush) tinatayang nagkakahalaga ng ₱227 milyon sa NAIA Terminal 3 noong Setyembre 7, 2025.
Nakuha ng Bureau of Customs – NAIA ang ang mga ilegal na droga sa anim na naka-check-in na bagahe na pagmamay-ari ng dalawang pasaherong Pinoy na dumating mula Bangkok, Thailand sa pamamagitan ng Cebu Pacific Flight 53932.
Nakumpirma na nanggaling ang mga bagahe sa isang pasahero matapos isalang sa x-ray screening. Natuklasan ang kahina-hinalang larawan para isailalim sa pisikal na inspeksyon na nagpapakita ng maraming transparent na pakete ng pinaghihinalaang Kush na kinumpirma naman ng PDEA K9 units ang pagkakaroon ng ilegal na droga.
Agad na inaresto ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at ipinaalam ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas. Kinumpirma ng isang imbentaryo ang
Ang mga nasabat na droga at mga suspek ay itinurn-over sa PDEA para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. Ang pagsisikap na ito ay naging posible sa pamamagitan ng koordinasyon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
