IPATUTUPAD na naman ang isang dagdag-presyo ng mga kumpanya ng langis sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG), epektibo bukas.
Sa datos na nakalap mula sa Department of Energy (DOE), P3.25 ang kada kilo ang itinaas ng LPG, o katumbas na P37.75 dagdag-presyo sa isang 11-kilogram standard cylinder.
Maging ang auto LPG, tumaas din ang presyo — P1.81 kada litrong dagdag sa umiiral na presyo sa merkado.