
NASAMSAM ang apatnapung (40) kahon ng na nagkakahalaga ng Php 700,000.00 mula sa isang suspek na nagbebenta ng mga hindi rehistrado at substandard na produktong vape nitong Abril 21 sa Barangay 103, Tondo, Maynila.
Kinilala ni CIDG Director, PMGEN Nicolas D Torre III ang naarestong suspek na si Khrystine na nagtitinda ng vape products ng walang kkaukulang permit mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA).
Natuklasan ang 40 na kahon ng EX-SO at Triple Black vape juice at vape puffs/products ng CIDG Regional Field Unit NCR – Southern Metro Manila District Field Unit (SMMDFU) nang maglunsad ng operasyon ang mga operatiba .
Kinasuhan ang suspek ng mga paglabag sa Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act) at Republic Act No. 9711 – Food and Drug Administration Act of 2009, dahil sa pagbebenta ng mga produkto nang walang rehistro ng FDA, kawalan ng wastong label at babala sa kalusugan, at paglabag sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan.