![shabu 3](https://www.theinsidernews.info/wp-content/uploads/2024/09/shabu-3.jpg)
Photo courtesy of PDEG
NASAMSAM ang shabu na nagkakahalaga ng P748 milyon shabu mula sa dalawang drug traffickers sa isang operasyon kontra ilegal na droga sa Imus City, Cavite.
Ayon kay Brig. Gen. Eleazar Matta, hepe ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG DEG), na ang buy-bust operation ay naganap bandang 6:26 ng hapon noong Lunes sa Lavender St. sa Bgy. Pasong Buaya II, Imus.
Ang mga naaresto ay isang 37-taong-gulang na lalaki na nakatira sa Pasong Buaya II at isang 26-taong-gulang na lalaki mula sa Dasma 4, Salawag, Dasmariñas City.
Nakuha mula sa mga suspek ang kabuuang 110 kilo ng shabu na may street value na P748 milyon. Kasama rin sa nasamsam ang 10 bundle ng boodle money na nagkakahalaga ng P1 milyon, isang P1,000, at isang cellphone na ginamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na transaksyon.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.