SINALAKAY ng NBI – National Capital Region (NBI-NCR) at mga kinatawan mula sa NBI – Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang mga 5 tindahan sa 168 at 999 sa Divisoria, kasabay ang 2 storage warehouse sa Brgy.Maysan sa Maynila kung saan nasamsam ang 13,407 piraso ng pekeng “MONSTER” trademarked merchandise na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 78, 834,000.00 noong Mayo 15, 2026.
Base ang pagsalakay ng mga awtoridad matapos pormal na mag-reklamo ang isang kinatawan ng brand .
Ang mga operatiba ng NBI ay nagsagawa ng malawakang surveillance at test-buy operations upang kumpirmahin na ang mga target na bodega ay nag-iimbak at namamahagi ng mga hindi awtorisadong produkto.
Agad naman na-isyuhan ng search warrant ng Regional Trial Court, Branch 28 ng Maynila ang mga nasabing lugar na illegal na nagbebenta ng produkto.
Ang mga may-ari ng negosyo at operator na responsable sa mga ilegal na bodega at pasilidad ng mga stall mahaharap sa mga kasong kriminal para sa paglabag sa Seksyon 155 ((Trademark Infringement )kaugnay ng Seksyon 170 ng Republic Act No. 8293 Intellectual Property Code of the Philippines) sa prosecutors Office ng Maynila at Valenzuela.
