May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

PAGASA nagbabala ng 50 degrees heat index ngayong buwan ng Abril

Ni Len Dancel

Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA  na baka umabot sa  50 degree celsius ang heat index ngayong buwan ng Abril.

Ito ay matapos makaranas ang bayan ng Catarman sa Northern Samar ng 46 degrees heat index .

Naitala rin ang pinakamaatas na heat index mula March 1 hanggang April 1 sa  San Jose Occidental Mindoro na 47 degrees  noong Marso 25 .

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na huwag uminom ng mga maiinit na inumin tulad ng  tea, kape at alak.