June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pahalik sa ‘Itim na Nazareno’ sinimulan na sa Quirino Grandstand ngayong Enero 6

UMPISA na ang  Pahalik sa Mahal na Poong Itim na Nazareno na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila ngayong araw ng Sabado , Enero 6, 2024.

Ngayong ala -6 ng gabi  isasagawa ang misa para sa volunteers ng Nazareno 2024 na susundan ng pagbubukas sa Pahalik sa alas-7 ng gabi ayon sa Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene

Muling magpapatuloy ang Pahalik hanggang Enero 8 hanggang sa bandang alas-5:30 ng hapon isasagawa ang Panalangin sa Takipsilim na susundan ng vigil at ilang palatuntunan sa alas-6 ng gabi.

Magsisimula ang Fiesta Mass sa Enero 8 ng alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi habang sa Enero 9 ng hatinggabi isasagawa ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Susundan ito ng prusisyon ng imahe ng Poong Nareno pabalik sa dambana ng Basilica.