NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang mga ilegal na bahagi ng hayop na pag-aari ng isang pasahero na dumating sa Terminal 3 noong Pebrero 6, 2024.
Natuklasan sa pamamagitan ng x-ray scanning sa bagahe ng isang pasahero na taga- New Zealand, na may flight CZ3091 na naglalaman ito ng tatlong (3) piraso ng sungay ng usa na may kalansay at dalawang (2) piraso ng balat ng usa.
Ang nasabing ilegal na inangkat na mga bahagi ng hayop ay kinumpiska dahil sa kakulangan ng mga permiso sa pag-aangkat mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), at paglabag sa Republic Act No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Mahigpit na ipinatutupad ang mga patakaran sa pag-aangkat ng ilegal na hayop sa bansa sa pangunguna ng District Collector Atty. Yasmin O. Mapa ng Port of NAIA at iba pang ahensya ng pamahalaan .