NASAWI ang isang pasahero nahulog mula sa isang umaandar na jeepney sa MacArthur Highway sa lungsod na ito noong Biyernes .
Base sa ulat ng pulisya , nangyari ang trahedya sa harap ng Our Lady of Fatima University sa Lungsod ng San Fernando.
Sa inisyal na imbestigasyon, sumakay ang biktima sa jeep na minamaneho ni alyas Sagmit sa harap ng Jenra Mall sa Angeles City at umupo sa tabi ng drayber.
Habang binabaybay ng sasakyan ang MacArthur Highway, napansin umano ng drayber ang pasahero na gumagamit ng mobile phone.
Pagdating sa MacArthur Highway, biglang nahulog ang pasahero mula sa jeepney at bumagsak sa sementadong pavement, na nagtamo ng malubhang pinsala.
Agad na rumesponde ang mga tauhan mula sa San Fernando Rescue Unit sa pinangyarihan at isinugod ang biktima sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital, kung saan namatay ang pasahero dahil sa mga pinsalang natamo sa pagkahulog.
Sinusuri na ng mga imbestigador ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) mula sa mga kalapit na establisyimento upang matukoy ang eksaktong pangyayari kaugnay ng insidente.
Inihahanda na ang mga kasong reckless imprudence resulting in homicide para sa pagsasampa sa korte laban sa drayber ng jeep.
