February 24, 2024

PCG mahigpit na nagbabantay sa seguridad ng mga turista patungo sa Boracay

NAKATUTOK ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad ng mga turistang dumadagsa sa Boracay ngayong Undas 2023. 

Makikita ang mahigpit na pagbabantay ng Coast Guard Station Aklan sa Caticlan Jetty Port Terminal na dinaraanan ng mga turista at iba pang biyahero papuntang isla. 

Nagpapatrolya rin ang PCG sa katubigang sakop ng Boracay at buong probinsya ng Aklan upang manatiling maayos at ligtas ang mga biyahe sa karagatan at iba pang maritime operations ngayong Undas.