ISANG one-man protest action ang sinimulan ng premyadong film director Mauro Gia Samonte sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.
Giit ni Samonte, higit na kailangang “kultabin ang korapsyon at tagpasin ang tiwali” sa likod ng umano’y mafia na diumano’y naniningil ng P10 milyon sa mga nagnanais sumabak sa partylist elections.