May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Rep.Erwin Tulfo, 4 pang solon naghain ng batas: Bigyan ng P1,000 pang-maintenance kada buwan ang senior citizen

NAGHAIN ng panukalang batas si House Deputy Majority Leader Erwin T. Tulfo kasama ang dalawang kasamahan sa ACT-CIS partylist at dalawa pang solon na naglalayong maglaan ng buwanang P1,000 para sa pangangailangang medikal ng mga senior citizens sa bansa.

Ang House Bill No. 9569, o “Providing Monthly Maintenance Medication Support Act for Senior Citizens,” ay inihain ni Rep. Erwin Tulfo at kanyang mga kasamahan mula sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap, at dalawa pang mambabatas na sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd
District Rep. Ralph Tulfo.

Ayon sa mga mambabatas, ang panukalang batas ay naglalayong tumugon sa suliranin na kinakaharap ng mga nakatatanda, lalo na ang mga may malubhang karamdaman o pangmatagalang kondisyon sa kalusugan.

“It acknowledges the fundamental importance of preserving and enhancing the health and well-being of senior citizens in our society,” ani Tulfo.

Ipinaliwanag ni Tulfo napakalaking hamon sa mga senior citizen, lalo na ang may pangangailangang medikal, ay ang problema sa pinansiyal para sa mga maintenance medicine.

“This bill recognizes this burden and aims to alleviate it by providing financial assistance,” ayon kay Tulfo.
“By offering a monthly stipend of Php 1,000.00 for maintenance medications, this bill is designed to improve the quality of life of our senior citizens and ease the financial constraints they encounter, making it more feasible for them to access the medications they require. It acknowledges that managing chronic
diseases should not be compromised due to economic limitations,” dagdag pa ng naturang panukalang batas.

Kinikilala rin nito ang mahalagang papel ng mga senior citizen at naglalayong tiyakin na maaari nilang tamasahin ang kanilang mga senior years nang may dignidad at mabuting kalusugan.

Nasa 9.2 milyong senior citizens o Pilipinong may edad na 60 pataas ang naitala sa pinakahuling survey ng Philippines Statistics Authority noong 2020.