
NAGKAROON ng rollback sa presyo ng petrolyo ngayong araw ng Martes.
Pumalo mula P1.70 hanggang P2.00 kada litro ang tinapyas sa presyo ng krudong karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at dyip.
Inaasahan din ang P1.90 hanggang P2.20 tapyas presyo sa kada litro ng kerosene na karaniwang ginagamit sa pagluluto sa mga tahanan at kainan.
Nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro naman ang mababawas sa presyo ng gasolina.