NAGKAGULO ang mga fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa interview ni Korina Sanchez sa aktor sa show niyang Rated Korina nang sagutin nito kung siya na ba talaga ang para kay Julia.
Natanong kasi ni Korina kung nagpropose na ba si Gerald kay Julia nang kanilang I celebrate ang birthday sa paris France kamakailan.
Ginanap ang kaarawan ni Gerald noong March 7 , samantalang March 10 naman ang kaarawan ni Julia at kapwa nila pinili ang Paris para doon ay mag-celebrate.
Isa nga si Korina sa mga naniwalang nag-propose si Gerald kay Julia sa City of Love dahil sa sagot ni Gerald na “She’s the one. You just know.”
Ani naman ni Korina, “That sounds like a proposal to me.” Isang halakhak ang naging sagot ni Gerald.
Kaya naman mga manonood na lang ang manghula kung ano nga ba ang nangyari doon sa Paris.