May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sekyu na sangkot sa serye ng nakawan sa convenience store , arestado

Ni Alex dela Cruz

NAARESTO na ng mga ototiradad ang isang sekyu na sangkot sa serye ng pagnanakaw sa mga convenience store at nang holdap sa ng mga Indian national sa Silang, Cavite .

Hindi na nakapalag ang suspek na si Victorious Bylosis ,29 anyos nang arestuhin ng mga elemento ng Regional Mobile Force Batallion 4-A sa ikalawang pagkakataon sa Barangay Yakal ,Silang Cavite kahapon .

Ayon kay Lt.Col Agosto Asuncion ,commander ng RFMB4-A inihain ng kanyang mga tauhan ang warrant of arrest sa kasong robbery with violence against or intimidation of person sa bahay ng suspek noong Linggo ng gabi na inisyu ni Hon.Minelli Rocio-Carvajak ,Assisting Judge ng regional Trial Court ,Branch 18 ng Tagaytay City .

Matatandan na mayroon mga pending murder case din ang suspek sa Provincial Prosecutor sa Imus City.

Una nang inaresto ng mga ototridad ang suspek noong Setyembre 22 ngunit mabilis itong nakatakas.

Kabilang din ang suspek sa No.6 most wanted person sa Cavite Police