SUMIKLAB ang sunog sa gusali ng Senado sa Pasay City noong Linggo ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagsimula ang sunog bandang 6:30 ng umaga noong Linggo sa opisina ng Legislative Technical Affairs Bureau sa ikatlong palapag ng gusali.
Umabot ito sa ikalawang alarma at idineklarang kontrolado bandang 7:43 ng umaga.
Sinabi ng BFP na walang naiulat na nasawi.
Samantala, tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa publiko na ang lahat ng rekord ng Senado, kabilang ang mga nasa Blue Ribbon Committee, ay nananatiling “buo at hindi apektado.”
“Makakaasa kayo na ang lahat ng mahahalagang dokumento ng Senado, kabilang ang mga nasa Blue Ribbon Committee ay nananatiling buo, ligtas, at ganap na hindi apektado ng sunog,” sabi ni Sotto.
Inaaalam na ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.
