MAKIKIPAGPULONG na magkahiwalay ang Pilipinas sa China at Amerika para talakayin ang sigalot sa West Philippine Sea.
Inaasahang ngayong Linggo iho-host ng Department of Foreign Affairs ang 23rd Philippines- China Foreign Ministry consultation.
Kabilang sa agenda dito ang 7th Bilateral Consultation mechanism sa South China Sea . Sa darating na buwan na Abril ay lilipad na rin patungong Washington ang mga opisyal ng DFA at Defense department upang palakasin ang political at military engagement sa rehiyon .
Ayon kay Philippine Ambassador to Washinton Jose Manuel Romualdez nakalaang pag-uusapan sa high level engagement ang defense coop ng dalawang bansa sa harap ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.