June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Signal jamming sa ‘Traslacion 2024’ ipinatutupad

IPINATUTUPAD ang signal jamming ngayong araw ng selebrasyon ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa ilang bahagi ng Kamaynilaan bilang seguridad sa Traslacion, ayon kay Interion and Local Government Secretary Benhur Abalos .

Sinabi ni Abalos sa isang panayam na hand ana ang lahat sa Traslacion na dadaluhan ng tinatayang higit sa 2 milyong deboto.

“So expect po, sabihan ninyo na ang iyong mga kamag-anak na kung hindi kayo ma-reach huwag na munag magpanic dahil every year ginagawa po iyon” dagdag pa ni Abalos.

Sa ngayon ay wala naman umanong namomonitor na problema ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.