TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa sa kabila ng pagkasira ng maraming pananim at palayan dahil sa sunud-sunod na bagyong nakaapekto sa agrikultura ng bansa.
Hindi nababahala ang pangulo nang tanungin siya dahil aniya mataas ang produksyon ng pagkain kahit noong panahon ng El Niño phenomenon maging ang mga epekto ng bagyo sa importasyon ng bigas ay agad ipinaalam ni Pangulong Marcos sa Department of Agriculture (DA) ang posibleng pag-aangkat ng humigit-kumulang 4.5 milyong tonelada.
“Ang upper estimate ay 4.5 [million tons] pero nailagay na natin ang mga presyo ng bigas – ang imported rice ay bumaba nang malaki mula noong nakaraang taon. At hindi tayo kalaban gaya noong panahon ng El Niño,” sabi ng pangulo.
“During the El Niño period, tinamaan lahat ng ASEAN countries kaya’t tumaas ang presyo kasi lahat namimili. Titignan natin. Siyempre, gagawin natin ang lahat para makontrol ang presyo ng mga pagkain, lalo na iyong mga produktong nasira o nawasak ni Pepito,” dagdag pa nito
Tinatayang humigit-kumulang PhP7.039 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura sa Rehiyon I, II, CAR, III, Calabarzon, Mimaropa, V, VI, VIII, at XII dahil sa sunud-sunod na bagyo sa bansa .